Tuesday, October 2, 2012

RA 10175 - Cyber Crime Law News and Commentary (Ano opinyon mo?)

Ang isang Case sa Pilipinas bago mabigyan ng Justice it takes years or even a decade bago matapos. Minasan yung Justice di pa nakukuha pag ordinaryong tao ka na lalaban sa isang taong me koneksyon at me kapangyarin. (Pakicorrect na lang po ako kung mali ang opinyon ko). Yung pagpatay nga sa Tatay ko 6 years na wala pa ring hustisya pero alam ko darating din yung time na yun. Kasi Kristiyano ako eh, alam kong di natutulog ang Hustisya ni Bro.

Then RA 10175 came, super bilis. Another RA, na iintindihin ng mga Law Student or mga college student na included sa kanilang curriculum.

Though I salute them on how they reacted on some instance na need to impost and created that law. Hindi naman ako Atty or even a Doctor with the highest degree of attainment para magmarunong. I just wrote it to express my sentiments and comments  on this Republic Act.

I am not against with our government kung papagtibayin nila ito. They have their mind, their heart and their will power to do it. Di naman pwede na lahat tayo eh maging lider ng bansa di ba? At di rin naman pwede na dapat lahat tayo nasusunod. Kc pag nangyari yun pantay pantay na lang tayo, and for sure mas magulo. Eto ngang pili tayo ng pili ng lider tapos pagkakapili natin eh babatikusin and worst case to worst patatalsikin. Ano to laro na pwedeng ulitin or pwdeng me free taste before natin magustuhan?

O di kaya naman, gagawin ng mga mambabatas magtuturuan, magsisihan... "naku di natin kaalyado, balakid yan dapat tinatanggal na yan". Di ba parang mga bata lang? Buti pa nga mga bata pag sinaway mo titigil na. Eh sila, minsan humanhantong sa patayan at minsan pati mga musmos at inosente nadadamay. Nakakalungkot di ba?

Nawala ako sa RA 10175 ah... Ok balik tayo sa pinakakontrobersyal na Republic Act na ito. Gaya ng nasabi ko di ako against dito. Against ako sa pagkakagawa nito. Sobrang bilis di ba? Sabi nga sa isang balita pabor daw ito sa mga artista at pulitika. Eh ilan ba artista sa Pilipinas at ilan ang mga mga nasa pulitika? Di ba mas marami gumagamit ng internet at simpleng mamamayan? At mas marami ang mga Pinoy na di nakakatuntong ng Kolehiyo kahit pa sabihing me public schools or universities. And take note di rin tayo member ng Organization for Economic Cooperation and Development’s (OECD). Paki search na lang po sa Google if you want to know more on this.

Sa previous company ko, gumagawa rin ako ng policies and procedures and we set limitations para sa di pag abuso ng mga staff including internal controls para maiwasan yung mga bagay na di dapat gawin ng isang mapang abusong staff, employee or even officers. Before we did those things and approved by the chairman, it takes a lot of revisions. Di ba sa Public Management, dapat mas pulido, and mascrutinize ng maayos kc for the whole nation ito? "Di pwedeng madaliin, otherwise pabor sa kanila yung batas or they need to protect for their own intention". Tama or Mali?  Di ba pwedeng ibalanse muna lahat bago iproklama? Tanong ko lang po ito. Marahil eh kayo na humusga.

Tanong ko rin lang, Paano na yung pinaglalaban nating kalayaan. Siguro nga di pa tayo malayang malaya.

Marahil di sapat yung opinyon ko na to para ijustify yung hinain ng mga bloggers, PIFA or sinuman at anumang grupo na tumututol sa RA 10175.

Agree ako kay Senator Escudero, kelangang ng amendments dito. Kailangang pag aralan, busisiin, balansehin, at alamin kung ano ba talaga ang tama at patas para sa nakakarami.

Kaya naman eto maraming naka black profile sa FB at yung ibang di nakakaalam ayun nakiblack na rin ng profile. Kc ang pagkakaalam nila, "USO" daw. hehehe. Sige makikiblack na nga rin ako. Tapos nakikipost and nakikilike. Nakakatawa di ba? Parang politika rin lang, minsan nakakatawa na sila.

Nga pala baka ko makalimutan eto pala yung link para sa RA 10175 para maintindihan ng nakararami. http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/. Take note, medyo mahaba po yan, pakiintinda na lang at huwag yung parang nababrowse ka lang sa FB. Tapos panay ka reaksyon. Wag muna po, intindihin muna natin para sa patas na karapatan at patas na pag usad ng Pilipinas.

Sana maging leksyon at aral sa mga mambabatas at ibang lider na ang batas bago ipatupad kailangan balanse. Parang sa telebisyon, kelangan sa mga media men balanseng pamamahayag para sa makatotohanang pagbabalita. Di mas maganda tingnan ang mukhang balanse kesa sa nakasimangot at maasim na mukhang di mabalabalanse. Di ba sa Accounting mas less work pag balanse? Or mas maganda pag sakto lang parang Coke.

After mo mabasa ito, wag agad like, balansehin  mo muna para sa pagsulong ng bansa. Don't be negative too much. Relax and Chill! Ang RA 10175 eh isa lamang sa mainit na usapin sa ngayon na tulad ng paporito kong kape eh lalamig din.

Sana mabuksan ang kaisipan ng bawat Pilipino na ang RA 10175 ay isa sa mga usapin na dapat bigyang pansin. And later maayos din. Salamat sa mga nakikilhok para maisaayos ang batas natin. At sana mabigyan ng tamang timpla ang Cyber Crime Law na to - balanse, makatwiran, at para sa ikabubuti ng karamihan at hindi ng pang isang tao lamang.

Soar High Philippines! We can do it because we are all Filipinos with pride and honor!

_____

Note: Di ko na po prinoofread to pakicorrect na lang ako. Kung nagustuhan mo to. Ishare mo naman, wag ka maselfish, wala namang bayad pagshare eh, or kung di mo nagustuhan eh magcomment ka naman para matuto rin kami. Yan lang request ko ha!


www.newstrendzph.com

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More