Friday, November 4, 2022

Mutya Orquia at Enchong Dee: Tampok Pareho sa ABS-CBN serye na "DARNA"

 Ginulat ni Enchong Dee ang manonood sa kanyang unang eksena bilang isang Extra sa Thursday episode ng “Mars Ravelo’s Darna.”

Ginagampanan ni Enchong ang karakter ni Eli na bumisita sa police station ng Nueva Esperanza.
Sa pagpasok ni Eli, aksidenteng natabig niya ang isang pulis na ikinagalit nito. Agad namang humingi ng patawad kay Eli ang pulis matapos itong makita at mapagsabihan ni Brian (Joshua Garcia). Makikita rin na magtutulungan si Eli at Brian sa pag-iimbestiga ng mga kaso.
Sa likod ng tahimik at mapagkumbaba na ugali ni Eli, nagtatago ang lihim na galit nito sa bullies gaya ng pulis na nagalit sa kanya. Isiniwalat din ang telekinesis powers ni Eli nang palutangin nito ang isang kutsilyo.
Nadagdag din sa cast ng “Darna” ang teen actress na si Mutya Orquia. Ginagampanan ni Mutya ang karakter ni Tricia, isang estudyante na kaklase ni Ding (Zaijan Jaranilla) at vlogger na nagbabalak ilabas ang sikreto sa likod ng facility para sa mga Extra ni Mayor Zaldy Vallesteros (Simon Ibarra).
Napapanood ang “Darna” gabi-gabi, 8pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.




0 comments:

Post a Comment

 
/*--- infolinks ---*/